Home HOME BANNER STORY 2 tinamaan ng ligaw na bala sa Iloilo, BacolodHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES 2 tinamaan ng ligaw na bala sa Iloilo, BacolodDecember 27, 2025 10:232440 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang indibidwal sa ligaw na bala sa Iloilo at Bacolod City.Ang babaeng biktima ay tinamaan ng bala nang magpaputok ng baril ang isang lalaki sa Pavia, Iloilo.Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang suspek ay nakainom nang magpaputok ng baril.Samantala, nagtamo rin ng tama ng bala ng baril sa hita at kamay ang lalaking biktima sa Bacolod City na tinamaan ng ligaw na bala habang nasa inuman.Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) ay mayroon nang isang nasawi dahil sa ligaw na bala ngayong holiday season.Pitong suspek naman ang naaresto dahil sa indiscriminate firing kung saan apat dito ang mga pulis. RNT/JGC