LUCENA CITY- Arestado ang tatlong hinihinalang drug traffickers nitong Sabado at Linggo sa buy-bust operations sa mga bayan ng Lopez at Gumaca sa lalawigan ng Quezon.
Naresulta ang mga operasyon sa pagkakasamsam ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu (crystal meth) sa street market, base kay Quezon police chief Colonel Ledon Monte nitong Linggo.
Ayon kay Lopez, nadakip ng police anti-narcotics agents si “Rocky,” 37, bandang alas-12:30 ng madaling araw nitong Linggo matapos magbenta ng P8,000 halaga ng meth sa isang poseur buyer sa transaksyon sa Barangay Pansol.
Nakumpiska ng mga operatiba mula sa suspek ang kabuuang anim na sachet ng meth na may timbang na 35 gramo at estimated value na P239,020 base sa impormasyon mula sa Dangerous Drugs Board (DDB).
Nagkakahalaga ang nasabat na shabu ng P717,060 sa street market na may presyong P20,400 kada gramo, base sa ulat,
Nauna nang nasakote ng lokal na kapulisan si “Billy,” 32, sa isa pang sting operation sa Barangay Danlagan bandang aloas-8 ng gabi noong Sabado.
Nakuhanan ang suspek ng sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P112,200 sa street market.
Base sa ulat, sina Rocky at Billy ay may nauna nang drug charges subait hindi idinetalye kung bakit sila nakalaya.
Sa kalapit na bayan ng Gumaca, nalambat ng mga pulis si “Dardo,” 45, sa Barangay San Juan De Jesus dakong alas-12:50 ng madaling araw nitong Linggo.
Nadiskubre ng mga pulis ang anim na sachet na naglalaman ng meth na may bigat na 10 gramo na may DDB valuation na P71,000 at street value na P214,200 sa posesyon ng suspek.
Iniimbestigahan na ng Quezon police ang source ng drogang ibinebenta ng mga suspek.
Nakaditene ang mga suspek sa local police jails at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA