Home METRO 2 utas sa pananambang; brgy. chairwoman, sugatan

2 utas sa pananambang; brgy. chairwoman, sugatan

254
0

COTABATO CITY, Philippines – Dalawang katao ang nasawi kabilang ang mister ng barangay chairwoman habang sugatan naman ito matapos silang tambangan at paulanan ng bala ng baril ng hindi pa kilalang salarin, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Mike Pusaka, nasa hustong gulang, sugatan naman ang kanyang misis na si Barangay Poblacion 5, Cotabato City Chairperson Pahima Pusaka.

Namatay din ang isang payong-payong driver matapos tamaan ng mga ligaw na bala at inaalam na ang pagkakakilanlan nito.

Ayon kay PLT. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng Cotabato City-PNP, bandang 10:00 AM Setyembre 16, 2025, naganap ang pamamaril sa Jose Lim Street, Poblacion 5, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, papuntang barangay ang mga biktima sakay ng kulay puting Toyota Fortuner na may plakang LAL 8792) na minamaneho ni Mike sakay ang misis at dalawang anak nae dad na 11 at 3.

Dito, bigla na lamang silang dinikitaan apat na armadong kalalakihan sakay ng tatlong motorsiklo at walang habas na pinaulanan ng bala ng baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Mike at balikat naman si Pahima habang ligtas ang kanilang dalawang anak.

Nadamay naman ang isang driver ng payong-payong na namamasada malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direskyon habang dinala naman sa ospital ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang dalawa.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives-PNP sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 50 basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa mga 9mm at .45 caliber pistol.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here