Home METRO 2 utas sa sunog sa Antipolo

2 utas sa sunog sa Antipolo

305
0

RIZAL, Philippines – Dalawang babae ang nasawi sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Antipolo City, Rizal noong Miyerkules.

Sa ulat ng Police Region 4-A, kinilala ang mga biktimang sina “Marieta,” 68, at “Catherine,” 28, sa Barangay San Roque alas-8 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy sa hindi bababa sa 20 iba pang mga bahay at naapula ng mga bumbero makalipas ang dalawang oras.

Parehong natagpuang patay ang dalawang biktima sa loob ng comfort room ng kanilang tirahan.

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here