MUNTINLUPA — Nakatakas sa detention facility ng Bureau of Immigration sa New Bilibid Prison ang dalawang South Korean fugitives, na nagbunsod ng manhunt.
Kinilala ng BI ang mga ito bilang sina Lee Jingyu, 32, na wanted sa drug smuggling, at Yang Heejun, 44, na wanted sa burglary at theft.
“Yang has a deportation case for being an undesirable and undocumented alien…We will not stop until they have been located so they can be made to face their crimes,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado.
Natuklasan ang pagtakas sa routine inspection nang makita ang isang lubid na nakatali sa ward gate. Agad na inilagay sa total lockdown ang pasilidad habang isinasagawa ang masusing paghahanap.
Nakikipag-coordinate ang BI sa Bureau of Corrections at NBI, at humingi si Viado ng tulong sa publiko sa paghahanap ng mga fugitives. RNT