Home METRO 20 kabahayan sa Antipolo City nilamon ng apoy!

20 kabahayan sa Antipolo City nilamon ng apoy!

MANILA, Philippines- Nasa 20 bahay ang nasunog sa Barangay San Jose, Antipolo City malapit sa International Shrine of the Our Lady of Peace and Good Voyage bago sumapit ang Fire Prevention Month nitong Huwebes, Feb. 29.

Sinabi ng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Antipolo City na winasak ng pagliyab ang halos 20 bahay sa Dela Paz Street sa Barangay San Jose.

Base sa BFP, iniulat sa istasyon ang sunog bandang alas- 5:03 ng hapon at naapula ng alas-5:30 ng hapon.

Anang BFP, iniimbestigahan na ang mitsa ng insidente at halaga ng pinsala sa pagmamay-ari. RNT/SA

Previous articleTINGNAN: Hog festival sa QC
Next articleJob fair ng SM City North Edsa dinagsa