MANILA, Philippines – Nailigtas ng Philippine Coast Guard Bantay Dagat ang 20 pasahero na sakay ng nasiraang motorbanca sa bisinidad baybayin sa pagitan ng Macaboc Island, Bohol at Talisay City, Cebu.
Agad nagsagawa ng joint search and rescue (SAR) operations kasama ang bantay-dagat.
Nalaman sa imbestigasyon na ang MBCA Miggy Boy ay umalis sa barangay Pooc, Talisay City,Cebu patungong Macaboc Island, Bohol,para magsagawa ng isaland hopping. Nakaranas ng engine trouble ang bansa habang naglalayag dahilan para mamatayan ng makina sa gitna ng karagatan.
Hinatak ng MBCA Megan ang nasiraang motorbanca sa pampang ng Barangay Pooc, Talisay City ,cebu para sa ligtas na disembarkation ng mga pasahero na kapwa nasa maayos nanag kalagayan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)