Home HOME BANNER STORY 200 katao, kabilang kongresista, retiradong heneral kinasuhan sa Set. 21 rally

200 katao, kabilang kongresista, retiradong heneral kinasuhan sa Set. 21 rally

267
0

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 200 katao, kabilang ang isang kongresista, isang retiradong heneral, at ilang negosyante, ang kinasuhan kaugnay ng karahasan sa anti-corruption rally noong Setyembre 21, ayon sa Philippine National Police (PNP).

“Not less than 200 ang na-file-an natin ng kaso doon, and these cases ay yung iba nililitis na,” ani acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang press briefing sa Camp Crame.

Kabilang sa mga kaso ang paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880, arson, pananakit, at pang-uudyok sa sedisyon.

“There is a congressman. There is a retired high-ranking general among those na nakasuhan. There are businessmen. Continuing ang investigation namin,” dagdag pa ni Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico II.

Mahigit 200 ang naaresto, kabilang ang 90 menor de edad, at dalawang tao ang nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon at may ilan nang kasong isinasampa sa korte. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here