MANILA, Philippines – Habang papalapit ang 2025 midterm elections, pinagtitibay ng iba’t ibang mga politiko at partido ang kanilang mga posisyon at nominasyon para sa nasabing eleksyon.
Tinanggap ni dating Senador Leila de Lima ang nangungunang nominasyon para sa Mamamayang Liberal (ML) party-list, isang sectoral wing ng Liberal Party (LP).
Layunin ni De Lima, kasama ang co-nominees na sina dating Representative Teddy Baguilat at Erin TaƱada, na pasiglahin ang presensya ng oposisyon sa House of Representatives. Si De Lima, isang masugid na kritiko ng mga nakalipas na administrasyon, ay patuloy na simbolo ng paglaban sa loob ng partido.
Bukod pa rito, si dating Senador Kiko Pangilinan ay nakumpirmang babalik sa Senado, na nakuha ang nagkakaisang suporta ng national executive council ng Liberal Party.
Si Pangilinan, na tumakbo bilang Bise Presidente noong 2022 kasama ang noo’y kandidato sa pagkapangulo at dating Bise Presidente Leni Robredo, ay babalik na ngayon sa pulitika sa hangarin na magkaroon ng pwesto sa Senado.
Sa isang strategic move, tatakbo naman si Robredo sa pagka-alkalde sa Naga City, ayon kay Liberal Party Executive Vice President Erin Tanada.
Matagal nang naging kuta ang Naga para sa pamilya Robredo at Liberal Party, kung saan nilalayon niyang ipagpatuloy ang kanyang serbisyo publiko sa lokal na antas.
Sa kabilang panig ng political spectrum, hinirang si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang unang opisyal na kandidato ng Lakas-CMD para sa Senate race sa 2025.
Ang nominasyon ay inihayag sa national convention ng partido na ginanap sa MalacaƱang, na pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Nagpahayag ng pasasalamat si Revilla, chairperson ng Lakas-CMD, sa nominasyon, na itinuturing niyang pagpapatuloy ng malakas na muling pagbangon ng partido.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang paparating na halalan ay tungkol sa paghubog ng kinabukasan, kung saan ang Lakas-CMD ang nangunguna sa pagsisikap na ito.
Ang nasabing partido ay nakipag-alyansa sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, isang koalisyon ng kasalukyang administrasyon kabilang ang rulling party na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT