Home SPORTS 2025 Shakey’s Super League crown sasakmalin ng NU Lady Bulldogs

2025 Shakey’s Super League crown sasakmalin ng NU Lady Bulldogs

324
0
DINAMBA - Padapang hinabol ang bola nina Blessing Unekwe at Bernadeth Pepito ng UST Lady Tigers sa isang tagpo sa laban kontra NU Lady Bulldogs sa 1st game ng Finals ng 2025 Shakey's Super League Pre-season Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum. Genie Villota
DINAMBA - Padapang hinabol ang bola nina Blessing Unekwe at Bernadeth Pepito ng UST Lady Tigers sa isang tagpo sa laban kontra NU Lady Bulldogs sa 1st game ng Finals ng 2025 Shakey's Super League Pre-season Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum. Genie Villota

MANILA, Philippines  – Nakauna ng panalo ang National University, 15-25, 25-23, 25-17, 13-25, 15-12,  laban sa mahigpit na karibal na University Santo Tomas para makalapit sa makasaysayang four-peat sa 2025 Shakey’s Super League Preseason sa Rizal Memorial Coliseum na sasabak ngayong Sabado.

Ibinida ng Lady Bulldogs ang kanilang championship caliber sa pamamagitan ng pag-iskor ng 5-0  para burahin ang 10-12 deficit sa final set para sa matapang na panalo sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals.

Nagpaputok UAAP rookie at dating juniors MVP na si Sam Cantada ng 18 puntos sa 16 hits at dalawang ace para manguna sa NU, na maghahangad na selyuhan ang ikaapat nitong sunod na SSL title sa tuktok ng tatlong titulo ng UAAP.

Samantala, magsasagupa ang Adamson at Far Eastern University sa bronze medal sa  one-game showdown.

Si Cantada, na kababalik lang mula sa national team stint sa Asian Youth Games sa Bahrain, ay umani ng solidong suporta mula sa beteranong si Cham Maaya na may 14 puntos sa walong blocks kabilang ang game-sealing swat kay ace spiker Angge Poyos.

Nagdagdag sina Kaye Bombita at Vange Alinsug ng 11 at siyam na marka, ayon sa pagkakasunod, sa back-and-forth duel na tumagal ng dalawang oras at 39 minuto.GENIE  VILLOTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here