MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang panukalang P6.793-trillion national budget para sa 2026 ay malaya sa iregularidad at congressional insertions.
“Gusto po talaga ng Pangulo na ‘yung budget ay tama at maibigay sa tamang programa para sa kinabukasan at kapakinabangan ng taumbayan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Ipinayahag ito ni Castro bilang tugon nang punahin ni Senator Panfilo Lacson na halos lahat ng senador ng19th Congress ay may insertions na nagkakahalaga ng ng P100 bilyong halaga ng items sa 2025 General Appropriations Act.
Pinanindigan naman ni Castro na kontra si Pangulong Marcos sa anumang congressional insertions, especially in light of the ongoing investigation into anomalous flood control projects, which has uncovered irregularities and implicated some lawmakers.
Muling nulit nito na hindi magdadalawang-isip si Pangulong marcos na i-veto ang 2026 General Appropriations Bill (GAB) kung napansin at natuklasan niya na may anumang kuwestiyonable o anumang irregular provisions.
“Sinabi po ng Pangulo even before na kung meron mang noon pong naisagawa ang budget, definitely, hindi po detalyado ang kaniyang pagkakaalam kung ano ba ang mga insertion ng mga nasabing senador,” ang sinabi ni Castro,
“Sa nakikita po natin at naipapakitang galit ng taumbayan na siya rin pong nararamdaman ng Pangulo, nakita po natin na sila ay dapat matuto nang tumupad sa kanilang mandato na maging tunay na public servant,” dagdag na pahayag ni Castro.
Buwan ng Hulyo, inaprubahan ni Pang. Marcos Jr. nJuly 15, 2025, ang P6.793 trillion proposed budget (National Expenditure Program). Kris Jose