Home METRO 21-anyos na rider utas sa bangga sa pickup truck sa Antipolo

21-anyos na rider utas sa bangga sa pickup truck sa Antipolo

37
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 21-anyos na motorcycle rider matapos bumangga sa pickup truck sa kurbadang bahagi ng Sumulong Highway sa Antipolo City noong madaling araw ng Martes, Mayo 26, 2026, ayon sa pulisya.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, nangyari ang aksidente bandang 6:00 a.m. sa harap ng Greenland Subdivision sa Barangay Dela Paz. Sa CCTV footage, makikitang magkasalungat ang direksyon ng dalawang sasakyan nang madulas ang motorsiklo sa kurbada, napunta sa kabilang linya, at bumangga sa likurang bahagi ng isang Toyota Hilux pickup.

Idineklara na dead on arrival ang rider nang dalhin sa Rizal Provincial Hospital System Annex II. Kinilala siya bilang service crew mula sa Antipolo City. Ang pickup ay minamaneho ng isang 50-anyos na lalaki mula Taytay, Rizal.

Kapwa nasira ang mga sasakyan at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa imbestigasyon at pagsusuri. Itinuturing ng mga awtoridad ang insidente bilang kaso ng homicide at damage to property habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagsusuri ng CCTV footage.

Ayon pa sa pulisya, patuloy pa ang imbestigasyon at posible pa ring magkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng mga sangkot na partido. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here