Home NATIONWIDE 21,492 pamilya nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga bagyo – DSWD

21,492 pamilya nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga bagyo – DSWD

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 21,492 pamilya o 75,110 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng pananalasa ng Bagyong Nika, Super Typhoon Ofel, at Super Typhoon Pepito.

Batay sa datos mula sa DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, hanggang nitong Martes, Nov. 26, 673 evacuation centers pa rin ang nananatiling operational.

Bukod dito, 13,132 pamilya o 46,141 indibidwal, ang pansamantalang sumisilong sa mga kaibigan o kaanak sa labas ng evacuation centers.

Anang DSWD, naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ang 1,170,149 pamilya o 4,318,543 indibdiwal sa 7,992 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Base sa DSWD, nakapagbigay na ang local government units, at iba pang partners ng P405.74 milyong humanitarian aid sa mga apektadong pamilya.

Mayroon ding P2.32 bilyong resources ang DSWD, kabilang ang P144.43 milyong standby funds at P2.18 bilyong halaga ng food at non-food item. RNT/SA