Home METRO 24/7 hotlines, inilunsad ng CIDG sa paghahanap sa wanted ex-pulis

24/7 hotlines, inilunsad ng CIDG sa paghahanap sa wanted ex-pulis

227
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Criminal Investigation and Detection Group ng 24-oras na hotline upang matulungan ang paghahanap sa tinanggal na pulis na si Rafael Dumlao III, na wanted sa kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa isang South Korean businessman.

Bukod sa hotline numbers (0960-6923025 at 0456-115926), ipinalabas din ng CIDG ang mga wanted posters sa opisina at iba pang pampublikong lugar. May nakatakdang P1 milyon na reward para sa impormasyon na magreresulta sa kanyang pag-aresto.

Si Dumlao ay itinuturing na “National Most Wanted Person” matapos siyang hatulan ng Court of Appeals bilang may sala sa kidnapping at pagpatay kay Jee Ick Joo noong 2016. Dati siyang pinalaya ng regional trial court noong 2023, pero binawi ng Court of Appeals ang desisyon dahil sa grave abuse of discretion.

Mayroon din siyang mga warrant para sa kidnapping with homicide, serious illegal detention, at carnapping, at hinatulan ng 20 hanggang 40 taon sa kulungan nang walang parole, pati na rin pagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here