Home NATIONWIDE 24 lokal na opisyal tatalupan sa pag-abroad sa hagupit ni Uwan

24 lokal na opisyal tatalupan sa pag-abroad sa hagupit ni Uwan

281
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 24 lokal na opisyal, karamihan ay mga alkalde, na umalis ng bansa habang naroroon si Super Typhoon Uwan kahit ipinatigil ang mga biyahe sa ibang bansa.

“Under investigation ngayon ang 24 na umalis na local chief executives. Despite the directive, umalis sila November 9 to 15,” sabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla.

Binibigyang-diin niya na sa panahon ng pambansang emergency, dapat humingi ng pahintulot sa DILG ang mga lokal na opisyal at manguna sa proteksyon ng kanilang nasasakupan.

Siyam na opisyal mula Cebu, kabilang ang walong alkalde at isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang nakaplano ng biyahe sa United Kingdom, ngunit ilan ay hindi nakakuha ng kinakailangang aprubal mula sa DILG.

Ang mga opisyal na nagpaalam bago ang direktiba noong Nobyembre 9, tulad ng dalawang gobernador sa Cagayan Valley, ay hindi sakop ng imbestigasyon.

Binalaan ni Remulla na ang ganitong aksyon ay maaring ituring na gross insubordination o abandonment of duty, at binigyang-diin ang moral na tungkulin ng mga opisyal na maging alerto sa paparating na kalamidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here