Home NATIONWIDE 24 Pinoy na biktima ng human trafficking nakauwi na mula Cambodia

24 Pinoy na biktima ng human trafficking nakauwi na mula Cambodia

230
0

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa bansa ang 24 na Filipino na nasagip matapos pwersahang pagtrabahuhin sa mga online scam hub sa Cambodia.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang mga nasagip na Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Sabado, Agosto 23 mula Phnom Penh.

Nasagip ang mga biktima sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia.

Nagbigay naman ng tulong ang NAIA Task Force Against Trafficking at Department of Migrant Workers sa mga biktima kasabay ng pagdating ng mga ito.

Ayon sa kagawaran, na-recruit ang mga biktima sa pamamagitan ng social media.

Pinangakuan ito ng trabaho bilang customer service representative sa $1,500 buwanang sahod.

Sa halip na maginhawang buhay, pwersahan silang pinagtrabaho bilang love scammer na nambibiktima ng mga lalaking European sa buwanang sahod na $300 lamang.

Pinaparusahan din umano ang mga biktima sa tuwing hindi nila maaabot ang quota. Kabilang dito ang squatting exercise, verbal at physical abuse.

Anang BI, umalis sa bansa ang mga biktima bilang turista. Ang ilan sa kanila ay ibinenta sa ibang kompanya.

Noong nakaraang linggo, nakauwi na rin sa bansa ang 10 Filipino na pwersahan ding pinagtrabaho sa mga online scam sa Cambodia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here