BENGUET, Philippines – Umaabot sa 24 tubular marijuana dried ang inabandona sa isang Pajero sa bahagi ng Buhao, Puguis, La Trinidad, Benguet.
Nadiskubre ng La Trinidad Police Station, K9 Units at Benguet Provincial Field Unit habang nagpapatrolya sa naturang lugar dahil sa kahinahinalang sasakyan na nakaparada.
Ang mga nasabing pinatuyong dahon ng marijuana tubular o clingwrap ay nabalot din ng itim na trash bag at nasabing sasakyan ay kinumpiska na ng pulisya.
Inaalam pa ng pulisya ang halaga ng nasabing pinatuyong dahon ng marijuana at kasalukuyan din biniperika ang sasakyan sa Land Transportation Office o LTO kung sino ang may-ari ng nasabing Pajero. (REY VELASCO)







