Home METRO 25 sabungero himas rehas sa e-sabong sa Nueva Vizcaya

25 sabungero himas rehas sa e-sabong sa Nueva Vizcaya

104
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Himas  rehas na bakal ang 25 katao matapos na maaresto ng mga otoridad sa illegal online cockfighting o e-sabong sa Solano Cockpit Arena sa Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang lima sa mga nadakip na sila alyas, Kain,32, Abel, 34, Jose, 18, at David, 25, pawang mga  livestreaming machine operators na mga residente ng Santa Rosa, Nueva Ecija.

Kabilang sa nakilala ay si alyas Jacob, 26, cockpit arena supervisor na residente ng Solano, Nueva Vizcaya.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa pangunguna ng Solano Police Station at iba pang mga operatiba ng pulisya bilang tugon sa sumbong umano sa opisina ni Chief PNP Gen. Melancio Nartatez Jr.

Sa imbestigasyon ng otoridad,  ang nasabing grupo ay may kaugnayan din sa operasyon ng e-sabong sa New Ayaga Cockpit Arena sa Abulug, Cagayan.

Nakuha sa operasyon ng pulisya ang nasa ₱616,250 na pinaniniwalaang betting money, betting tickets at resibu,  computer sets, 5 cellphones, 4 na internet routers, 2 LED monitors at iba pang mga kasangkapan sa iligal na operasyon.

Ang mga nadakip na suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602,  Republic Act No. 10175, at ang  Cybercrime Prevention Act of 2012. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here