Home NATIONWIDE 26 pang pasahero sa Basilan tragedy, pinaghahanap pa rin

26 pang pasahero sa Basilan tragedy, pinaghahanap pa rin

193
0

MANILA, Philippines – Hindi nagawang pasukin ng technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) ang first deck port side casing ng MV Trisha Kerstin 3 sa nagpapatuloy na paghahanap sa 26 pang nawawalang pasahero dahil sa malalakas na alon sa ilalim ng tubig.

Ayon sa PCG, isinaalang-alang ang kaligtasan ng mga diver kaya lumipat sila sa paghahanap sa secondary target.

Hinanap ng mga diver ang mga pasahero sa VIP accommodation section ng barko, alinsunod sa mga itinakdang dive safety protocols.

Mas ligtas at kontrolado ang kondisyon sa secondary target, ngunit wala silang natagpuang katawan doon.

Sa ngayon, nananatiling 293 ang kabuuang bilang ng mga nakaligtas, habang 53 ang kumpirmadong nasawi, ayon sa pinagsama-samang datos ng Philippine National Police–Scene of the Crime Operatives, City Disaster Risk Reduction and Management Office, at PCG District Southwestern Mindanao, pati na rin sa koordinasyon sa mga pamilya ng mga naapektuhan.

Noong Miyerkules, inihayag ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pagsasampa ng mga kriminal at administratibong kaso laban sa operator ng lumubog na barko, Aleson Shipping Line, pati na rin sa mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) na may pananagutan.

Inanunsyo rin ni Lopez ang pagtanggal sa tungkulin ng walong tauhan ng MARINA at limang tauhan ng PCG dahil sa pagpapahintulot sa barko na maglayag sa kabila ng “malinaw na mga kakulangan sa kaligtasan.”

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here