Home METRO 286 wanted sa Northern Mindanao, arestado noong Agosto

286 wanted sa Northern Mindanao, arestado noong Agosto

1
0

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Umabot sa 286 wanted persons ang naaresto ng pulisya sa Northern Mindanao mula Agosto 1 hanggang 31, 2026, kabilang ang 72 na kabilang sa “Most Wanted Persons” (MWPs) at 214 na iba pang wanted persons.

Ayon sa Police Regional Office 10 (PRO-10), sa 72 most wanted na naaresto, 10 ang nasa regional level, 36 sa provincial at city level, at 26 sa municipal level.

Pinakamarami ang naaresto sa Bukidnon na may 84, sinundan ng Misamis Oriental na 49, Cagayan de Oro City na 44, Misamis Occidental na 41, Iligan City na 37, Lanao del Norte na 27, at Camiguin na apat.

Ayon kay Brig. Gen. Nestor Babagay Jr., direktor ng PRO-10, isinagawa ang mga operasyon alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG), na nagbibigay-prayoridad sa paghahatid ng mga warrant laban sa mga high-profile fugitives.

“There will be no let-up in our manhunt operations,” ani Babagay. Dagdag niya, patuloy na gagamitin ng mga police unit ang intelligence resources at palalakasin ang koordinasyon, habang tinitiyak na naaayon sa batas ang lahat ng operasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here