Home METRO 29.4K magsasaka, mangingisda apektado ng El Niño

29.4K magsasaka, mangingisda apektado ng El Niño

MANILA, Philippines- May kabuuang 29,409 magsasaka at mangingisda sa anim na rehiyon sa buong bansa ang apektado ng El Niño weather phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Sa bilang na ito, 18,039 ay mula sa Western Visayas; 6,323 sa Cagayan Valley; 2,613 sa Mimaropa; 2,015 sa Ilocos Region; 397 sa Calabarzon; at 22 sa Zamboanga Peninsula.

Samantala, umabot na ang apektadong crop area sa 26,713.4 ektarya, kung saan 13,363.39 ektarya ay matatagpuan sa Western Visayas; 9,013.29 sa Cagayan Valley; 3,116.94 sa Mimaropa; 1,026 sa Ilocos Region; 189.56 sa Calabarzon; at 22.22 sa Zamboanga Peninsula.

Sa kabuuan, 23,916.37 ektarya ang may tiyansang makarekober, o tinukoy na “partially damaged,” habang 2,815.03 ektarya ang “totally damaged” sa El Niño, base sa NDRRMC. RNT/SA

Previous articleAi Ai, kinuwestyon ang loyalty sa Kapuso!
Next articleMahal na Araw sasabayan ng pagmahal ng oil price