Home NATIONWIDE 29 bagong CPRIG operatives ng BOC, magpapalakas sa kampanya kontra smuggling

29 bagong CPRIG operatives ng BOC, magpapalakas sa kampanya kontra smuggling

80
0

MANILA, Philippines – Mas pinalakas pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya laban sa smuggling at iba pang transnational crimes matapos opisyal na tanggapin ang 29 bagong graduates ng elite Customs Police Rapid Intervention Group (CPRIG).

Sa pamumuno ni Ariel F. Nepomuceno, matagumpay na nagtapos ang mga opisyal sa Customs Police Rapid Intervention Group Special Operations Training (CPRIG-SOT), isang espesyal na pagsasanay na naglalayong bumuo ng highly capable tactical unit para sa high-risk enforcement operations at mabilis na pagtugon sa mga banta sa seguridad.

Ayon kay Commissioner Nepomuceno, mahalagang mapanatili ng mga bagong operatives ang integridad, disiplina, at propesyonalismo sa kanilang tungkulin bilang frontliners sa pagpapatupad ng batas.

Binigyang-diin din ni Nepomuceno na mahalagang papel ang ginagampanan ng CPRIG sa pagpigil sa smuggling, illegal trafficking, at iba pang organized transnational crimes na gumagamit sa mga pantalan at border ng bansa.

Dumalo rin sa seremonya si Romeo S. Brawner Jr. bilang guest of honor, kung saan pinuri nito ang mga nagtapos matapos malampasan ang apat na buwang masinsinang pagsasanay na isinagawa ng trainers mula sa Armed Forces of the Philippines Special Forces at Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay General Brawner, malaking ambag sa pambansang seguridad ang bawat matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad.

“Every threat intercepted, every successful operation, and every crime prevented contributes to the stability and security of our nation,” ani Brawner.

Dagdag pa niya, “Skill without integrity is dangerous, and strength without discipline is meaningless.”

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay sa mga graduates ang airport at seaport operations, tactical intelligence, Tactical Combat Casualty Care (TCCC), pistol at rifle marksmanship, IED identification, tactical communications, Close Quarter Battle (CQB), Vessel Boarding, Search and Seizure (VBSS), at Executive Protection operations.

Ipinakita rin sa seremonya ang matibay na koordinasyon sa pagitan ng BOC, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, at iba pang partner agencies upang higit pang mapalakas ang intelligence sharing at operasyon laban sa mga banta sa pambansang seguridad.

Muling tiniyak ng Bureau of Customs ang kanilang patuloy na pagpapalakas sa operational readiness at professionalism ng CPRIG upang maprotektahan ang ekonomiya, hangganan, at seguridad ng bansa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here