Home NATIONWIDE 29 barko ng China namataan sa 4 bahagi ng West Philippine Sea

29 barko ng China namataan sa 4 bahagi ng West Philippine Sea

2
0

MANILA, Philippines – Naitala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabuuang 29 barko ng China, kabilang ang 20 China Coast Guard (CCG) vessels at siyam na barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), sa apat na mahahalagang bahagi ng West Philippine Sea mula Nobyembre 3 hanggang 8.

Batay sa monitoring data ng AFP, pinakamaraming barko ang namataan sa Ayungin Shoal na may siyam na CCG vessels at isang PLAN ship, o kabuuang 10 barko.

Sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, walong barko ng China ang naitala, kabilang ang limang CCG vessels at tatlong PLAN ships.

Samantala, tig-anim na barko ang namataan sa Escoda Shoal, na binubuo ng tatlong CCG vessels at tatlong PLAN ships.

Sa Pag-asa Island naman, tatlong CCG vessels at dalawang PLAN ships, o kabuuang limang barko, ang naitala. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here