MANILA, Philippines – Nasa 2,047 pamilya o 7,070 indibidwal ang inilikas sa kani-kanilang mga tirahan sa Quezon City dahil sa mga pagbaha.
Ayon sa Quezon City Public Information Office, ang mga inilikas ay mula sa 19 na barangay sa anim na distrito ng lungsod.
Pinakamarami rito ay mula sa Barangay Bagong Silangan kung saan nasa 472 pamilya ang tumutuloy sa Bagong Silangan Evacuation Center at 492 pamilya naman sa Bagong Silangan Elementary School.
Ito rin ang barangay na may pinakamaraming inilikas na residente matapos makapagtala ng lampas tao at hanggang dibdib na mga pagbaha sa ilang lugar.
Sa kasalukuyan ay mayroong 39 na evacuation center ang aktibong ginagamit ng mga inilikas na residente. RNT/JGC