Home METRO 2kg ecstasy, shabu nakumpiska sa Chinese, kasama

2kg ecstasy, shabu nakumpiska sa Chinese, kasama

ANGELES CITY- Arestado ang isang Chinese at kasama nitong Pinoy matapos mahulihan ng malaking halaga ng ilegal na droga at baril sa isinagawang buy-bust operation noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., director ng Central Luzon police, kinilala ang mga suspek sa alyas Zhe, 30, residente ng Pasay City, at Pinoy na si alyas Lexie, 19, taga-Angeles City.

Sa ulat ng Angeles City-PNP, nadakip ang mga suspek sa isang parking lot na kilalang Hotel sa Barangay Malabanias, ng naturang lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang isang handgun, caliber .22 revolver na may mga bala at silencer, dalawang kilo ng blue ecstasy party drugs na aabot sa halagang worth P4 milyon, 87 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P591,600, orange chewable party drugs, ketamine salt, crystal, at liquid marijuana vape.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico