Home NATIONWIDE 2nd batch ng Pinoy seafarers na inatake sa Red Sea parating na...

2nd batch ng Pinoy seafarers na inatake sa Red Sea parating na ng Pinas

(c) Peter Beentjes

MANILA, Philippines – Nakatakdang dumating ngayong gabi, Hulyo 2 ang pangalawang batch ng Filipino seafarers mula sa MV Transworld Navigator o ang barkong inatake ng Houti Rebels sa Red Sea

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) , tulad ng unang batch ay pangungunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa mga Pilipinong marino.

Inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas 7 ng gabi ang second batch na binubuo ng walong Filipino seafarers kung saan kasama ni Cacdac ang iba pang senior officials ng DMW na sasalubong sa mga marino.

Nito lamang July 1 ay nauna nang dumating sa bansa ang limang (5 ) crew ng MV Transworld Navigator sakay ng Emirates airline EK 332 na sinalubong din ni Secretary Cacdac kasama sina DMW Asst. Secretary for Sea-based OFW Concerns Jerome T. Pampolina at OWWA Deputy Administrator Honey Quin╠ło.\

Ang una at ikalawang batch ng repatriation ay kabilang sa 27 Filipino seafarers na tinulungan ng gobyerno na makauwi sa Pilipinas matapos ang ginawang pag-atake ng rebeldeng Houthi sa kanilang barko habang dumadaan sa Red Sea. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)