Home NATIONWIDE $3-B pamumuhunan ng Danish renewable energy firm, malugod na tinanggap ng Malakanyang

$3-B pamumuhunan ng Danish renewable energy firm, malugod na tinanggap ng Malakanyang

236
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng Malacañang ang USD 3-bilyong pamumuhunan ng Danish renewable energy firm na Copenhagen Infrastructure Partners (CIP) para sa offshore wind farm project sa Camarines Sur — ang unang proyekto nito sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakipagpulong ang mga opisyal ng CIP kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang upang kumpirmahin ang kanilang plano na mamuhunan sa sektor ng renewable energy sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ACEN Renewable Energy Solutions.

“Patunay ang ganitong investment na mataas pa rin ang kumpiyansa ng mga dayuhang investors na mamuhunan sa Pilipinas,” ani Castro, na binigyang-diin din ang lokasyon ng bansa at ang pagtutulak ni Marcos para sa malinis na enerhiya.

Sinabi ng Palasyo na bahagi ito ng layunin ng administrasyon na hikayatin ang mga sustainable investment at paigtingin ang transparency sa mga pangunahing proyekto ng imprastraktura. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here