Home NATIONWIDE 3 barkong lumubog sa Bataan tatalupan sa ‘oil smuggling’

3 barkong lumubog sa Bataan tatalupan sa ‘oil smuggling’

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na iniimbestigahan na ang tatlong barko na responsable sa Bataan oil spill sa lugar dahil sila ay sangkot sa oil smuggling o “paihi” sa ibang barko habang nasa dagat.

Ayon kay PCG National Capital Region (NCR)-Central Luzon spokesperson Lieutenant Commander Michael John Encina inaalam na ng kanilang investigating team Ang totoong dahilan bakit nasa karagatan ng Bataan ang lumubog na MT Terranova, MTKR Jason Bradley at MV Mirola .

Sa “paihi” system, ang langus mula sa malaking barko ay ililipat sa mas maliit na sasakyang-dagat sa karagatan upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Encina na maingat silang nakikipag-ugnayan sa ibang ahensya para tuluyan para tulungan sila at kapag may resulta na ay kanilang ipapakita at ilalabas upang maging transparent kung ano talaga ang naging dahilan.

Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez noong Sabado na tinitingnan ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng “conspiracy” na maaaring humantong sa kamakailang sakuna sa dagat sa Bataan na kinasasangkutan ng tatlong sasakyang pandagat na nag-leak ng libu-libong litro ng gasolina sa Manila Bay.

Noong Biyernes, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tinitingnan ng DOJ ang pagsasampa ng class suit laban sa mga responsable sa oil spill.

Sinabi rin ni Remulla na ang lahat ng tatlong sasakyang-dagat ay “magkakaugnay,” ngunit hindi na dinetalyado.

Sa gitna ng imbestigasyon ng PCG’s Marine Casualty Investigation Team, sinabi ni Encina na sisiguraduhin nilang hindi makakatakas ang mga responsable sa oil spill.

Sinabi ni Encina na ang mga kumpanya ng mga sasakyang ito ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad kasunod ng tatlong magkakahiwalay na insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)