COTABATO CITY – Isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nasabat mula sa tatlong hinihinalang big-time drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Marawi City nitong Miyerkules, Hunyo 5.
Kinilala ni Gil Cesario Castro, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga suspek na sina Allandoni Mendalano, Sanny Kaadeadatu, at Isnaima Sapia.
Sinabi ni Castro na ang mga suspek ay kabilang sa isang local drug syndicate na nag-ooperate sa Lanao del Sur, Maguindanao, at sa lungsod na ito.
Sinampahan na ng kasong may kinalaman sa droga ang mga suspek na nakakulong sa PDEA detention facility sa lungsod na ito. RNT