Home METRO 3 bigtime tulak dinamba sa P2.7M droga

3 bigtime tulak dinamba sa P2.7M droga

ILOILO CITY–Nagresulta ang anti-drug operation na inilunsad ng Iloilo City Police Office Martes ng gabi sa pagkakasamsam ng 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon at pagkakaaresto sa tatlong high-value na indibidwal.

Arestado ang 24-anyos na si Hyder John Angcayan, kanyang live-in partner, 22-anyos na si Sharei Mae Tolentino, at pinsan, 30-anyos na si Anton John Angcayan sa buy-bust sa Barangay Bito-on sa distrito ng Jaro .

“May direktang kontak si Hyder sa loob ng (National Bilibid Prison) sa Muntinlupa. Sina Hyder at John ay miyembro ng Happy Go Lucky gang sa loob ng Muntinlupa,” sabi ni Kapitan Ryan Christ Inot, officer-in-charge ng ICPO-City Drug Enforcement Unit (CDEU), sa isang panayam noong Miyerkules.

Sina Hayder at Anton John ay inaresto noong 2019 dahil sa ilegal na droga ngunit nag-avail ng plea bargaining agreement at pinalaya noong 2022. Gayunpaman, ipinagpatuloy nila ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

Kinokolekta naman ni Tolentino ang mga ilegal na bagay na ipinadala mula Maynila sa Tagbak terminal sa Barangay Tagbak. Ang dalawa pang suspek ang humahawak sa repacking at delivery.

Idinagdag niya na nagtatrabaho si Hyder sa isang parcel delivery hub.

“Dalawang linggo namin silang binabantayan mula nang maaresto na namin si alyas Janjan, ang pinsan nila na sangkot din sa iligal na droga, kung saan nakuha namin ang higit sa isang kilo ng shabu,” dagdag ni Inot.

Aniya, si Janjan ang nagsilbing runner nila.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.