MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong araw na Justice summit na naglalayong isulong ang kaligtasan ay kagalingan ng mga bata at iba pang mahihinang grupo, bilang paggunita sa Buwan ng mga Bata (Children’s Month).
Ayon sa DOJ, kasama sa summit ang lecture mula sa human rights experts at legal luminaries upang isulong ang isang participatie at inclusive na dayalogo.
Sinabi ng DOJ na tatalakayin sa unang araw ang mga paksa tulad ng estado ng mga karapatan ng bata sa sektor ng hustisya, pagpapalakas ng child-sensitive justice system, access sa hustisya at pagsusulong ng karapatan ng mga batang Pilipino.
Samantala, sa kanyang talumpati, sinabi ni Normina Mojica ng Council for the Welfare of Children na mayroong pagbaba sa mga ulat ng CyberTipline mula 2.7 milyon noong 2023 hanggang 1.7 milyon noong 2024.
Sinabi rin ni Mojica na may umuusbong na trend ng “sadistic sextortion” agyundin ang isang kaso ng “self-generated” chld sexual abuse at exploitation material sa Pilipinas.
Ayon kay Vida, tinitignan nila ang whole of government approach upang resolbahin ang isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden