MANILA, Philippines – Umarangkada na ang 3-araw na transport strike ng Manibela laban sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno ngayong Miyerkoles habang nagtitipon ang mga jeepney driver at operator sa Welcome, Rotonda sa Maynila.
Inihayag ng pinuno ng transport group na si Mar Valbuena ang transport strike noong nakaraang linggo matapos na tanggihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Gusto natin iparating sa Pangulo, na ang pagkilos na ito ay pakinggan naman niya yung suspension order na galing sa Senado. Kung Senado po nakakaintindi neto, sana maintindihan mo rin po kami,” ani Valbuena sa isang ulat.
Bandang alas-7 ng umaga, bumagal ang trapiko sa kahabaan ng Quezon Avenue habang naghahanda ang mga nagpoprotesta na magmartsa patungong Mendiola.
Naka-standby naman ang limang bus mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakaling ma-stranded ang mga pasahero dahil sa strike. Nauna nang sinabi ng MMDA na hindi sususpindihin ang expanded number coding scheme sa tatlong araw na transport strike. RNT