Home METRO 3 drug personalities, huli 

3 drug personalities, huli 

16
0

MANILA, Philippines – Swak sa selda ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa anti-criminality operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, alas-12:35 ng hating gabi, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Santan St., BSOP, Brgy., Karuhatan nang mapansin nila si alyas “Chilf”, 27, na nagyoyosi umano sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa.

Nang lapitan nina Pat Adrian Calagui at Pat Bryan Varona para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay bigla umanong itinulak ng suspek si Calagui bago nagtangkang tumakas kaya hinabil siya hanggang sa maaresto at nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,360.

Nauna rito, pasado alas-3:46 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng Police Sub-Station 3 si alyas “Aran”, 26, na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang abandonadong bahay sa Antonette Townhomes, Brgy. Marulas.

Nakumpiska sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at drug parapernalya.

Sa Brgy., Canumay West, naaresto naman nina PCpl John Ray Laredo at Pat R-Jay Tagnong, kapwa nakatalaga sa Police Sub-Station 1 ang dalawang indibidwal na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ sa harap ng isang bahay sa Filrezam, 2nd Sreet dakong alas-6:30 ng gabi.

Nasamsam sa kanila ang bet money, gamit na baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Lyn”, 41, ng Brgy. Lingunan.

Patuloy na hinihikayat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kahina-hinalang gawain. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here