Home METRO 3 EDSA Busway stations bukas na matapos rehab

3 EDSA Busway stations bukas na matapos rehab

2
0

MANILA, Philippines — Muling binuksan sa publiko ang North Avenue, Monumento at Bagong Barrio stations ng EDSA Busway matapos isailalim sa rehabilitasyon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ininspeksiyon nina Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez at Senior Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang North Avenue at Bagong Barrio stations upang tingnan ang daloy ng mga pasahero at iba pang maaaring pagbutihin.

Bahagi ang rehabilitasyon sa Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project na layuning gawing mas ligtas, maayos at komportable ang paggamit ng mga istasyon.

Kabilang sa mga isinagawang improvements ang mas malalawak na platform, mas maaliwalas na waiting areas, bagong railings at vertical louvers, tactile paving, wayfinding signs at LED information displays.

Patuloy naman ang pagkukumpuni sa mga elevator ng North Avenue at Bagong Barrio stations.

Matatagpuan ang North Avenue station sa Quezon City, habang nasa Caloocan City naman ang Monumento at Bagong Barrio stations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here