JAKARTA, Indonesia – Tatlong hiker ang nasawi, kabilang ang dalawang dayuhan at isang residente, habang 10 katao naman ang nawawala matapos sumabog ang isang bulkan sa isla ng Halmahera sa silangang bahagi ng Indonesia noong Biyernes, ayon sa ulat ng lokal na pulisya.
Ayon kay North Halmahera police chief Erlichson Pasaribu sa Kompas TV, nagbuga ng makapal na ash cloud ang bulkan matapos ang pagputok nito.
“There are three dead, two foreigners and one resident of Ternate island in east Indonesia,” ani Pasaribu.
Naiulat din na 10 katao pa ang hindi pa natatagpuan sa lugar, na idineklara nang bawal pasukin ng mga awtoridad noong nakaraang buwan dahil sa panganib ng aktibidad ng bulkan.
Patuloy ang search and rescue operations habang inaalam pa ang kalagayan ng mga nawawalang hiker. RNT/MND