MANILA, Philippines – Tatlong kababaihan ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ninoy Aquno International Airport (NAIA) dahil sa pamemeke ng overseas employment contracts.
Sa inilabas na ulat ng NBI-International AIrport Investigation Division nitong Martes, ang tatlong babae ay naaresto noong Agosto 20.
Ayon sa NBI, sila ay nakatakda sanang lumipad patungong Hong Kong bilang turista ngunit naharang ng mga miyembro ng Border Control and Intelligence Unit sa routine inspections nang magpakita ng hinihinalang pekeng Overseas Employment Contracts (OECs), ayon sa NBI.
Ibinunyag ng tatlo na sila ay narecruit sa pamamagitan ng social media platform upang magtrabaho sa Cambodia bilang customer service representatves (CSR).
Nalaman din sa imbestiagsyon na nauna nang na-clear ng immigration officer ang tatlo para makaalis.
Pinaghahanap na ng NBI ang nasabing opisyal na kasalukuyang at large.
Kakasuhan ng paglabag ng Revised Penal Code habang ang BI officer ay kakasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Anti-Trafficking in Persons Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden