Home NATIONWIDE 3 lalaki ‘napraning’ sa lugawan kalaboso

3 lalaki ‘napraning’ sa lugawan kalaboso

214
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong lalaking naghasik umano ng kaguluhan sa loob ng isang lugawan sa bayan ng Marilao nitong gabi ng Nobyembre 4.

Sa ulat ni PLTCOL Jordan Santiago, hepe ng Marilao police station, kinilala ang mga suspek na sina altas “Reg”, alyas “Vic” at alyas “Dexter”.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 11:50 ng gabi nang dumating ang mga ito lulan ng Ford Ranger sa isang lugawan sa Brgy. Loma de Gato.

Nabatid na nagwala at nanggulo ang mga suspek na nasa loob ng lugawan kaya agad humingi ng saklolo sa mga pulis ang isa sa mga biktimang pinagbantaan at pinakitaan ng baril.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga tauhan ng istasyon sa nasabing lugar hanggang sa nadakip ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang Glock 17-gun replica, tatlong sachets ng hinihinalang shabu na aabot sa isang gramo, may halagang P6,800 mga paraphernalia na nakita naman sa kanilang sasakyan.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nasa kostudiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here