Home NATIONWIDE 3 lalaking Chinese inaresto sa Tawi-Tawi sa intel gathering

3 lalaking Chinese inaresto sa Tawi-Tawi sa intel gathering

72
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi ang tatlong lalaking Chinese sa umano’y pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng pekeng mobile phones.

Inaresto ng mga operatiba ng Tawi-Tawi Provincial Police Office ang mga suspek sa operasyon na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga pekeng cellphone at relo ng mga suspek.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), mahigpit na minomonitor ng mga awtoridad at naglunsad ng operasyon laban sa illegal foreign activities at talamak na mga pekeng produkto sa probinsya.

“There are indications of possible information-gathering activities from residents, posing a potential security concern,” ani Abecia.

Aniya, ang mga suspek ay inaresto sa loob ng Beach Side Inn sa Barangay Simandagit, Bongao, Tawi-Tawi.

Ang isa sa mga suspek ay may hawak na pasaporte na may expired visa, habang ang dalawang kasama nito ay walang pasaporte ngunit mayroong alien certificates.

Sasampahan ang tatlo ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 8293, o Intellectual Property Code of the Philippines, at Commonwealth Act No. 613, o the Immigration Act of 1940.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nakita na ang mga suspek ay dumating sa Bongao, Tawi-Tawi noong Mayo 3 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 839 para magbenta ng pekeng cellphone at iba pang gamit nang walang kaukulang permit at dokumentasyon.

Ang isa sa mga suspek ay namonitor sa Languyan, Tawi-Tawi mula 2023 hanggang 2024. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here