Home METRO 3 magnanakaw arestado sa buy-bust ops sa CDO

3 magnanakaw arestado sa buy-bust ops sa CDO

235
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Arestado ang tatlong suspek na umano’y sangkot sa magkakasunod na insidente ng pagnanakaw sa isang inn sa Barangay 32 dito sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay iniugnay sa mga kaso ng pagnanakaw sa Barangay 29 sa kahabaan ng Domingo Velez Street, kung saan dalawang establisyimento ang naiulat na nawalan ng hindi bababa sa Php 31,000 na pera at mahahalagang gamit. Gayundin sa August 2 robbery sa isang restaurant sa Barangay 31, na nagresulta sa pagkalugi ng humigit-kumulang Php 400,000.

Inaresto ang mga suspek sa harap ng gusali kung saan naganap ang mga insidente ng pagnanakaw sa Barangay 29, ani Police Major Mario Mantala Jr., at idinagdag na mahigit isang buwan nang isinagawa ang validation at surveillance.

Nakumpiska sa operasyon ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 15 gramo, tinatayang nasa Php 102,000, kasama ang dalawang kalibre .38 na baril.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang pagsisiyasat upang matukoy ang pinagmulan ng mga baril, kasama ang drug testing at posibleng follow-up operations para sa karagdagang mga suspek.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong indibidwal na nasa edad na 20-anyos, ang isa ay 25-anyos na estudyante ng kriminolohiya. Inamin ng isa sa mga suspek ang pagkakasangkot, sinabing nakatanggap siya ng bahagi mula sa krimen dahil mayroon siyang anak na sustentuhan.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga suspek, kabilang ang pagnanakaw at paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, para sa pagbebenta at pagmamay-ari ng ilegal na droga, at RA 10591, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, para sa illegal possession of firearms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here