Home NATIONWIDE 3 misyonero patay sa gang sa Haiti

3 misyonero patay sa gang sa Haiti

HAITI – Patay ang tatlong misyonero nang barilin ng isang gang sa labas ng simbahan sa Haiti.

Matatandaan na ilang buwan nang nakararanas ng matinding karahasan ang naturang bansa dahil sa kaguluhan, kung saan marami na ang mga pinatay sa mga ospital, kulungan at government buildings.

Ayon sa Missions in Haiti, isang Oklahoma-based nonprofit na itinatag noong 2000, napatay ang mag-asawang Amerikano na sina Davy at Natalie Lloyd, at isa pa, sa Port-au-Prince ng mga armadong kalalakihan Huwebes ng gabi, Mayo 23.

Ang ikatlong biktima ay kinilalang si Jude Montis, Haitian director ng Missions in Haiti.

“Davy and Natalie and Jude were shot and killed by the gang about 9 o’clock this evening,” pahayag sa Facebook page ng Missions in Haiti nitong Biyernes.

“We all are devastated.”

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya, “the bandits entered the house and looted it before murdering the missionaries.”

Nagpapatuloy ang imbestigasyon tungkol dito.

Sa naunang Facebook post, isinalaysay ng Missions in Haiti na inabangan ng gang ang mga misyonero.

“Davy was taken to the house tied up and beat.”

“The gang then took our trucks and loaded everything up they wanted and left.”

Kalaunan ay dumating ang mga miyembro ng isa pang gang at “went into full attack mode,” salaysay sa naturang post.

Nanawagan naman ang White House ng mabilis na deployment ng Kenyan-led multinational force sa Haiti para tugunan ang gang violence.

“The security situation in Haiti cannot wait,” sinabi ng National Security Council spokesperson, sabay-sabing nangako si US President Joe Biden na susuportahan ang “expedited deployment” ng pwersa sa pakikipag-usap sa pangulo ng Kenya.

“Our hearts go out to the families of those killed as they experience unimaginable grief,” dagdag pa ng tagapagsalita. RNT/JGC