Home NATIONWIDE Pilipinas gagawing premier destination sa turismo at entertainment

Pilipinas gagawing premier destination sa turismo at entertainment

MANILA, Philippines – COMMITTED si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ para sa turismo, relaxation, at entertainment, na naka-ayon sa pananaw ng Bagong Pilipinas.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solaire Resort North sa Bagong Pag-asa, Quezon City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakagawa ng ‘impressive recovery’ ang ‘Philippine tourism at hospitality industry’ matapos ang COVID-19 pandemic.

“We have slowly started to witness how hotels, restaurants, recreational amenities and tourist spots have slowly but surely risen to the challenge of travel resurgence, welcoming 5.45 million inbound tourists in 2023. This is more than double the 2.65 million visitors recorded in 2022,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran ng Pangulo na layunin ng pamahalaan na “let the entire world know that the Philippines is open for tourism, for business” kasunod ng pandemic recovery nito.

Aniya pa, ang Solaire brand, pagmamay-ari at pinatatakbo ng Bloomberry Resorts Corporation (BRC), ay makatutulong para gawing “unique brand of hospitality” ang Pilipinas na kilala sa buong mundo.

“I am certain that Solaire Resort North is with us in our desire to capitalize in this strength further to improve our position in the global hospitality sector. It is truly a bold and ambitious move to make the Philippines the perfect destination for tourism, relaxation and entertainment,” ayon kay Pangulong Marcos.

“I hope that you all would continue to work with us in making each visit to us a safe, rewarding, and memorable experience. Help us in making this goal the center of efforts in building a Bagong Pilipinas that we dream of,” aniya pa rin.

Winika ng Pangulo na nabigyan ng Solaire brand ng bagong kahulugan ang ‘resort stay experience’ sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatakda ng “new benchmark” para sa “luxury, entertainment, comfort and service.”

“Its first development, the Solaire Resort Entertainment City, already set the standard for quality and innovation in providing tourism and hospitality services to its guests from around the country and all over the world,” ayon sa Punong Ehekutibo, tinukoy ang first branch sa Parañaque City.

Winika nito na ang second integrated resort, Solaire Resort North, ay makapagpapalakas din sa imahe ng bansa sa international stage.

“So as we open the doors of Solaire Resort North, let us open the arms to the world, inviting them to experience the warmth and beauty of our country and Solaire Resort North will certainly play a very, very big part in that. Let us show them that we are ready to embrace the opportunities they offer to us and I am confident the world is also ready to embrace us back,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nakapagbigay naman ang gaming industry ng maraming hanapbuhay sa mga Filipino at nakapag-ambag sa social development, 100,000 Filipino ang nabigyan ng trabaho noong 2019, sumusuporta sa iba’t ibang papel sa casino operations.

PInalawak din ang industriya sa mahalagang sektor gaya ng hotels, retail centers, sinehan, at dining establishments.

Ayon sa Pangulo malaki ang naiambag ng mga ventures na ito para sa operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Sports Commission at Dangerous Drugs Board.

“It redounds to the implementation of the universal healthcare, early childhood care and development fund, integrated sports development program, the national endowment for culture and arts, and the establishment and the operation of adequate drug rehabilitation centers,” ayon sa Pangulo. Kris Jose