Home NATIONWIDE Military drills sa paligid ng Taiwan tinapos na ng China

Military drills sa paligid ng Taiwan tinapos na ng China

TAIWAN – Tinapos na ng China ang dalawang araw nitong military drills sa paligid ng Taiwan.

Sa naturang exercise ay nagsagawa sila ng simulation ng strike na tila tinatarget ang mga lider ng Taiwan maging ang mga pantalan at paliparan nito, “to cut off the island’s ‘blood vessels’,” ayon sa Chinese military analysts.

Ikinokonsidera ng Beijing ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo.

Ang war games ay nagsimula nitong Huwebes ng umaga, kung saan pinalibutan ng mga eroplano at naval vessels ang Taiwan at nagsagawa ng mock attacks laban sa “important targets.”

Inilunsad ang exercises tatlong araw matapos na manungkulan ang bagong Pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te at nagsagawa ng inauguration speech. Itinuturing ng China ang naturang inauguration speech bilang “confession of independence.”

“Every time ‘Taiwan independence’ provokes us, we will push our countermeasures one step further, until the complete reunification of the motherland is achieved,” ayon kay Beijing defense ministry spokesman Wu Qian. RNT/JGC