Home NATIONWIDE All-time high deployment sa seafarers naitala

All-time high deployment sa seafarers naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng all-time high deployment ng mga seafarer noong 2023, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Mayo 25.

“Noong 2023 naka-all time high tayo… lagpas sa limang daang libo, kaya’t ang ating demand for maritime seafarers ay patuloy,” pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum.

Samantala, sinabi ng DMW chief na nasa 30% ng mga Filipino seafarer ang naghihintay pa rin ng deployment.

Muling nakapasok ang bansa sa white list ng International Maritime Organization (IMO).

Ibinigay ito dahil sa pagsisikap ng bansa na mapanatili ang mataas na standards sa maritime education, training at certification ng Pinoy seafarers.

Ang white list ay nangangahulugan na ang mga seafarer ay sinanay at sertipikado sa Pilipinas na nakatugon sa mahigpit na international standards na itinakda ng IMO Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Convention. RNT/JGC