Home METRO 3 nagmimina ng ginto tigok sa sulasok

3 nagmimina ng ginto tigok sa sulasok

MANILA, Philippines – Tatlong tao ang namatay dahil sa suffocation habang naghahanap umano ng ginto sa isang butas na kanilang hinukay sa Balingasag, Misamis Oriental, noong Lunes, Hulyo 1, 2024.

Kasama sa mga nasawi ang dalawang lalaki, 48 at 38 taong gulang, at ang 15-anyos na anak ng isa sa mga biktima. Nakaligtas at nagpapagaling sa ospital ang kasama nilang menor de edad.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng sumabog ang water pump engine na ginamit ng mga biktima at bumubuga ng usok ang mga biktima.

Naging mahirap umano ang rescue operation dahil 25 feet ang lalim ng butas at makitid.

Kalaunan ay nakuha na ang mga bangkay ng mga biktima.

Sinabi ng isa sa mga unang rumesponde na nakarinig sila ng pagsabog mula sa butas at ang mga biktima ay sumisigaw ng tulong dahil halos hindi sila makahinga.

Sinabi naman ni Mayor Alexis Quina na ang mga biktima ay maaaring nagmimina ng ginto at namatay dahil sa pagkalason sa carbon monoxide.

Sinabi rin ni Quina na ang operasyon ng pagmimina ng mga biktima ay labag sa batas at maaaring managot ang mga opisyal ng barangay na maaaring nakaalam at nagparaya sa aktibidad.

Ipinag-utos na ng Municipal Social Welfare and Development Office na pangasiwaan ang posibleng tulong para sa mga biktima. RNT