Home NATIONWIDE 3 Pakistani huli sa pagtutulak ng pekeng gamot

3 Pakistani huli sa pagtutulak ng pekeng gamot

166
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlong Pakistani national sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Metro Manila Eastern District sa nasa 300 metro kwadradong residential cum warehouse sa Sun Valley Subdivision, Brgy. Sun Valley, Parañaque City nitong Linggo ng hapon, Pebrero 22.

Sa casing operation ng PDEA ng maraming araw, at sa final day, araw ng Sabado, napatunayan ng mga ahente ng PDEA na sangkot sa pagbebenta ng counterfeit medicine ang grupo.

Kinilala ng arresting team ang mga suspek na sina Akram, Muhammad Waseem alyas “Waseem,” 60 anyos; Zubair Mohy-Ud-Din alyas “Mohy,” 54 anyos; at Salman Haider alyas “Salman,” 25 anyos.

Nakumpiska sa tatlong suspek ang 24 packages ng Midazolam Injection IP, libu-libong tableta at vials ng Valium, Nalbin, NLB Injection, Bional Plus at Rivotril.

Nakumpiska rin ng sumalakay na mga ahente ng PDEA ang ibat ibang uri ng pekeng mga gamot at drugs kabilang ang Ibuprofen Medicol Advance, Rabies Vaccine (Human IP), Buscogast, Tuseran Forte, Testosterone Enanthate, Evitek-OCE at Provera Tablets.

Sa pagtaya ng umano’y counterfeit medicine, nasa inisyal na P120,000.

“Non-drug items recovered included cash, accounting records, mobile phones, identification cards, passports, a barcode scanner, and machinery allegedly used in handling counterfeit drugs,” anang pahayag ng PDEA.

Makalipas ang ilang oras ng pag-iimbentaryo sa nakumpiskang kontrabando, sakay ng tatlong van ang mga kontrabando at ang tatlong suspek ay dinala sa kustodiya ng PDEA National Capital Region, at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa exclusive interview ng REMATE kay alyas Wasseem, sinabi niyang hindi sila sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot, subalit inamin din ng suspek na talagang negosyo niya ang pagbebenta ng gamot, at isa ang Singapore na sinusuplayan niya ng kanyang produkto.

“Taun-taon dumarating ako rito sa Piliipinas kapag may purchase order sa akin ng mga gamot. Sa bahay sa Tagaytay, minsan doon kami tumutuloy. Nagdedeliver din ako sa Singapore,” sabi sa REMATE ni alyas Wasseem. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here