Home NATIONWIDE 3 patay, 2 sugatan sa engkwentro ng mga miyembro ng partido sa...

3 patay, 2 sugatan sa engkwentro ng mga miyembro ng partido sa Basilan

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang dalawa iba pa ang sugatan sa nangyaring engkwentro sangkot ang mga miyembro ng isang partido politikal sa dagat na sakop ng Hadji Muhtamad, Basilan nitong umaga ng Lunes, Mayo 12.

Ayon kay Basilan Police Provincial Office, sangkot sa sagupaan ang mga pulis, armadong grupo, at convoy ni mayoralty aspirant Jamar Mansul bandang ala-1 ng madaling araw.

Nagsasagawa ng maritime patrol ang pulisya nang mamataan nila ang isang motorized pump boat na may walong sakay.

Sinubukan ng mga awtoridad na pahintuin ang bangka ngunit hindi ito huminto.

Dahil dito ay nagpaputok ang pulis dahilan para mauwi ito sa engkwentro.

Walang iniulat na nasawi sa hanay ng mga pulis at ligtas din si Mansul sa insidente.

Samantala, itinanggi naman ng asawa ng mayoral aspirant, na armado ang grupo ng kanyang asawa dahil patungo lamang sila sa isla para bumoto.

Aniya, ang mga pasahero ng bangka ay kanyang mga kaanak at mga poll watcher.

Naniniwala ang asawa ng biktima na ang insidente ay pananambang ng ibang armadong grupo. RNT/JGC