Home METRO 3 patay sa araro ng trak sa Bataan

3 patay sa araro ng trak sa Bataan

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao matapos na araruhin ng isang trak ang isang tirahan kasunod ng pagbangga nito sa isang motorsiklo sa Purok 5, Barangay Bangal, Dinalupihan, Bataan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Glenda Agustin, 50; at Roxanne Agustin, 28, residente ng Purok 5, at motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City.

Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang trak na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23 at bumangga sa motorsiklo na minamaneho ni Gonzales.

Pagkatapos nito ay dumiretso pa ang trak sa bahay kung saan natutulog ang pamilya Agustin.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima na ikinamatay nila on the spot.

Nakatakas ang drayber ng trak habang nasa kustodiya naman ng Dinalupihan police ang helper. RNT/JGC