Home ENTERTAINMENT Ubo ni Sharon, mas malala pa sa COVID!

Ubo ni Sharon, mas malala pa sa COVID!

132
0

Manila, Philippines – There’s really a price one has to pay.

Magpakapagod ka sa trabaho, at tiyak sisingilin ka nito sa pamamagitan ng pananakit ng katawan.

Not to mention, nariyan din ang ilang external factors.

Hindi nakaligtas si Sharon Cuneta na nag-emote na naman sa kanyang Instagram account.

Sumama raw kasi ang kanyang pakiramdam nang manggaling sa isang commercial shoot.

Buti na lang daw, perfect timing ang pagkakatanggap niya ng gifts at letters “from my Sharonian kids.”

Madaling araw na raw kasi nakauwi ang Megastar.

Nalamigan daw siya kaya ang ending, ayon sa kanyang post sa IG: “Mahirap huminga dahil sa sipon. Hindi ako makatulog dahil sa matinding ubo!”

Ikinumpara pa nga ni Sharon ang kanyang pakiramdam as being worse than when she was down with Covid-19 years ago.

Oh, it must be really bad kung ganoon!

Matatandaang nitong pagpasok ng taon, ang ininda naman ni Sharon ay ang hirap niya sa paglalakad.

For this, she had to undergo sessions of therapy, na awa naman ng Diyos, got back on her feet.

Aminado ang singer-actress that because she’s already 59 ay marami na rin siyang nararamdaman.

Get well soon, Sharon! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here