Home HOME BANNER STORY Grupo ng health workers sa Malakanyang: Solusyon kaysa concert

Grupo ng health workers sa Malakanyang: Solusyon kaysa concert

MANILA, Philippines – “Solusyon higit sa pagkilala o entertainment.” Ito ang tugon ng Alliance of Health Workers (AHW) sa paparating na concert na inihanda ng pamahalaan para sa mga health worker.

Ang tinutukoy ng grupo ay ang “Konsyerto sa Palasyo Para sa Ating Mga Healthcare Workers” na inorganisa ng Presidential Communications Office, at gaganapin sa Hunyo 30 sa Malacañang Palace.

Sa pahayag, nagpasalamat si AHW Secretary General Cristy Donguines kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkilala sa mga health worker.

Sa kabila nito, iginiit niya na ang kailangang ipakita ng pamahalaan ay ang sinseridad nito sa pagresolba ng mga problema na hinaharap ng kanilang sector.

“What we truly need right now is not just a concert that will only provide temporary entertainment. Health workers need immediate salary hike, job security, mass hiring of regular health workers to augment the severe understaffing in both public and private hospitals and release the unpaid benefits like Performance-Based Bonus (PBB) and Health Emergency Allowances (HEA) for private and LGU health workers,” ani Donguines.

Dagdag pa niya na mahalaga para sa mga health worker na matugunan ang kanilang mga isyu at pangamba lalo na ang mga pagsubok na dala ng nagdaang COVID-19 pandemic at iba pang health emergencies.

Makatutulong umano ang pagtugon sa pangamba ng mga health worker upang hindi na piliin ng mga ito na umalis ng bansa para sa mas magandang oportunidad abroad.

“Organizing such concerts is a manifestation that Marcos Jr. administration is not taking seriously the people’s health and health workers’ welfare,” ayon kay Donguines.

Ipinahayag din ni Donguines ang “resentment” ng grupo sa “negligence and incompetence” ng pamahalaan noong pandemya.

Matatandaan na humarap sa kabi-kabilang kontrobersiya ang pamahalaan noong pandemya, o sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“We do not want to be portrayed as heroes who have been abandoned and forgotten after the battle. We urge PBBM to listen to our grievances. Concerts and entertainment alone are not enough; concrete actions and solutions are needed to address our concerns.” RNT/JGC