Home HOME BANNER STORY PCG sa insidente sa Ayungin: ‘Not an armed attack’

PCG sa insidente sa Ayungin: ‘Not an armed attack’

MANILA, Philippines – Kinondena ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Hunyo 22 ang aksyon ng China sa Ayungin Shoal kasunod ng insidente kung saan pitong Filipino servicemen ang nasaktan sa ikinokonsidera ng mga eksperto bilang armed attack.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), sa kabila nito ay hindi dapat tingnan ang insidenteng ito bilang ‘armed attack’ Kahit pa makikita sa video ang mga patalim na ibinabandera ng mga Chinese sa tropang Pinoy.

“On the part of the People’s Republic of China, ang intention naman talaga rito is to prevent the resupply mission from being successful. So there is no reason na interpret natin ito that this is an armed attack,” ani Tarriela.

Pinawi naman ng opisyal ang pangamba ng publiko na ang insidente noong Hunyo 17 ay magiging mitsa para sa giyera at magiging trigger sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na pinirmahan ng Pilipinas at kaalyado nitong Estados Unidos.

“Ang mga kababayan nating Pilipino, kung iniisip nila na magkakaroon ng malakihang digmaan o giyera, so we have to go back, ano ba objective ng Philippine government dito, at ano objective ng China,” sinabi ni Tarriela.

“Again, our objective is to resupply, the Chinese objective is to prevent the resupply from happening. That is the only thing that happened there in the resupply mission.”

Sa pagkaputol ng hinlalaki ng isang tropa sa naturang insidente, sinabi ni Tarriela na ito ay dahil sa high-speed ramming ng rigid hull inflatable boats (RHIBs) at hindi dahil sa armas ng mga Chinese.

“But we should not interpret this as something (that) we don’t consider as barbaric and inhumane action on the part of the Chinese Coast Guard. We still condemn these actions that they did to our troops.”

Ang mga pahayag na ito ay kasunod ng sinabi rin ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Biyernes na ang insidente ay hindi isang ‘armed attack’ na maaaring makapag-trigger sa MDT.

Ani Lucas, chairman ng bagong buong National Maritime Council, ang insidente ay “probably a misunderstanding or accident.” RNT/JGC